PBB housemates x BINI Jhoanna at Stacey, trending online

GMA Logo BINI Jhoanna and Stacey in Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
Photo source: Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition

Photo Inside Page


Photos

BINI Jhoanna and Stacey in Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition



Isa na namang masayang araw sa loob ng Bahay ni Kuya, lalo na't dalawang bagong PBB houseguests ang pumasok at nakisaya!

Doble ang energy ng celebrity housemates nang makilala na nila ang BINI members na sina Jhoanna at Stacey.

Sa unang interaksyon pa lang, labis itong pinusuan ng netizens. Marami ang natuwa lalo na nang hindi mapigilan ni Esnyr ang kanyang excitement na makasama ang kanyang mga paboritong P-pop singers.

Hindi rin napigilan ng ibang PBB housemates ang kilig at excitement na makapag-picture kasama ang dalawang BINI members.

Maliban sa kanilang unang pagkikita, pinusuan din ng fans ang pag-open up nina Jhoanna at Stacey. Marami ang mas humanga sa BINI sa kanilang mga kuwento bilang performers at bilang lider.

"Ako kasi leadership isn't about strictness, it's about guiding your members with heart. Hindi mo kailangan magalit, 'di mo kailangan sumigaw. Ako kasi mas gusto ko and mas sinusunod ko 'yung mga taong minsan lang magalit. Kasi once magalit sila, ibig sabihin may reason," paliwanag ni Jhoanna bilang leader ng BINI.

Agad pinag-usapan online ang kanilang nakakatuwang interaksyon, na nag-trend pa sa iba't ibang social media pages. Ang hashtags o topics tulad ng #PBBCollabBloom, #BINIxPBBCollab, #bini_jhoanna, at at thurslay with jhocey ay umabot sa top trending list ng X (dating Twitter).

Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition tuwing weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.

Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.

Samantala, kilalanin ang iba pang celebrity houseguests sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition dito:


Ivana Alawi 
Phenomenal Content Queen ng Quezon City
Mavy Legaspi
Five days
Gabbi Garcia 
Surprise 
Kim Chiu and Paulo Avelino 
KimPau  
Michelle Dee 
Eviction night

Around GMA

Around GMA

No new regulations vs imported cars, modifications, tire age — LTO chief Lacanilao
Lea Salonga, Rachelle Ann Go part of 'Les Misérables' in Manila
#WilmaPH remains almost stationary over waters of E. Samar