'Pepito Manaloto' characters: Then and Now

Ngayong 2025, ipagdiriwang ng award-winning at beloved Kapuso sitcom na 'Pepito Manaloto' ang kanilang 15th anniversary.
Nag-umpisa ang buong bayan na sundan ang kuwento ng multi-million lotto winner na si Pepito na ginagampanan ng ace comedian at content creator na si Michael V. noong 2010.
Napamahal na rin sa mga Pinoy ang mga karakter ng show tulad na lang ng mahal sa buhay ni Pitoy na sina Elsa (Manilyn Reynes), Chito (Jake Vargas), at Clarissa (Angel Satsumi). Aba, hindi rin naman magpapahuli ang mga kasama ng Manaloto family sa mansyon, mga kapitbahay, at kahit ang mga kuwela nilang empleyado sa PM Mineral Water.
Tara at ating balikan kung paano nagbago ang ilan sa mga favorite 'Pepito Manaloto' characters n'yo sa gallery na ito!









