Pokwang at Eugene Domingo, magsasama sa isang exciting na pelikula

Magsasanib puwersa ang dalawang aktres na hinahangaan sa husay sa comedy na sina Pokwang at Eugene Domingo.
Sina Pokwang at Eugene ay ipinakita na ang official poster para sa kanilang inihandang comedy movie na Becky and Badette.
Ang dalawang aktres ay parehong ipinakita ang official poster ng kanilang bagong pelikula sa kani-kanilang Instagram accounts.
Saad ng TiktoClock host na si Pokwang, "Para sa beshies na mataas ang pangarap at mas mataas ang heels!
BECKY & BADETTE"
Ayon naman sa caption ni Eugene, "Becky & Badette. A film by #junrobleslana"
Nag-post rin si Eugene ng kanilang teaser at ipinakita na kasama rito ang former Encantadia stars na sina Sunshine Dizon, Iza Calzado, at Karylle.
Bago pa man ipinakita nina Pokwang at Eugene ang official poster at teaser ng kanilang pelikula ay nagpasilip na rin sila ng ilan sa kanilang mga fun moments sa taping ng Becky and Badette.
Narito ang ilang mga larawan nina Pokwang at Eugene sa pelikulang kanilang ginawa sa ilalim ng direksyon ni Jun Robles Lana.





