
Isa si Eugene Domingo sa mga nagbahagi ng mensahe ng pagmamahal kay Pokwang sa kanyang kaarawan.
Nagdiwang si Pokwang ng kaniyang birthday noong August 24 sa TiktoClock. Ang 53rd birthday ni Pokwang ay gaganapin sa darating na August 27.
"Sis, surprise! Happy birthday!" saad ni Eugene sa video na kuha mula sa Italy.
PHOTO SOURCE: TiktoClock
Pagkatapos ay inilahad ni Eugene ang mga hiling niya para sa kaniyang kaibigan.
"Wish ko ay magkaroon ng sarili mong bahay, ay mayroon ka na pala nun. Magkaroon ka ng sasakyan, ay mayroon ka na rin nun. Magkaroon ng magagandang anak, ay mayroon ka na rin nun. Wala pala akong wish para sa'yo," biro ni Eugene.
Ayon kay Eugene, hiling niya ang magagandang bagay para sa buhay ni Pokwang at sana ay magtagumpay ang kanilang inihandang pelikula na Becky and Badette.
"Maging masaya ka lang, mapayapa, at malusog sa iyong buhay. At, maging bongga ang ating pelikulang Becky and Badette. Happy birthday, Pokwang!"
Bukod kay Eugene, napanood rin sa episode na ito ang mensahe ni Boy Abunda kung saan naging emosyonal ang birthday girl na si Pokwang.
Panoorin ang mga mensahe nila kay Pokwang dito:
2
SAMANTALA, NARITO ANG STUNNING PHOTOS NG 'TIKTOCLOCK' HOST NA SI POKWANG: