'Pulang Araw' actors grace the first-ever PinoyCon event

Masayang naki-bonding sa kanilang fans ang Pulang Araw cast na sina Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco, at Alden Richards, kasama pa si Dennis Trillo, sa first-ever PinoyCon na ginanap sa One Ayala sa Makati City, nitong Sabado, July 13.
Dito, isa-isang nag-perform ang nasabing cast na ikinatuwa at ikinakilig ng fans.
Nagkaroon din ng chance ang kanilang mga tagahanga na sila ay mabati ng personal at malapitan. Nagpapirma rin ang fans ng kanilang limited-edition Pulang Araw merchandise gaya ng mini-poster, photocard sets, hoodies, at t-shirts.
Bukod dito, na-enjoy din ng mga taong dumalo sa event ang Pulang Araw photobooth at Instagram corner kung saan makikita ang mga larawan ng limang Kapuso stars.
Narito ang ilan sa mga larawan ng Pulang Araw cast sa kauna-unahang PinoyCon event:








