Pulang Araw: Ang mga unang larawan

Isang buwan na lang at muli nang mag-aalab ang inyong pusong makabayan sa pagdating ng pinaka-inaabangang family drama ng taon sa GMA Prime - ang Pulang Araw.
Sa Hulyo 29, makikilala na ang mga karakter nina Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco, at Alden Richards. Mapapanood din dito si Dennis Trillo para sa kaniyang natatanging pagganap.
Ilalahad ng Pulang Araw ang mga kuwentong tiyak na malapit sa bawat pamilyang Pilipino, mga kuwentong pamilyar sa lahat, saksi man o hindi sa naganap na ikalawang digmaang pandaigdig at panahon ng pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas.
Pero bago ang lahat, narito ang unang mga larawan na pasilip sa mga karakter ng mga bida ng serye:









