Puso ng ex, na-transplant sa manliligaw sa 'Regal Studio Presents: My Heart Belongs To You'

Isang kakaibang love story ang matutunghayan sa bagong episode ng weekly anthology series na Regal Studio Presents.
Pinamagatang "My Heart Belongs To You," kuwento ito ng pusong lumipat ng katawan.
Sa gitna ng pagluluksa ni Alexa sa pagkamatay ng boyfriend niya, makikilala niya ang sweet at caring na si Jessy.
Gusto ni Jessy na maging bahagi ng buhay ni Alexa at handa itong maghintay hanggang maka-move on ito.
Pero malalaman ni Alexa na kay Jessy pala na-transplant ang puso ng boyfriend niya. Matatanggap pa rin kaya niya ito?
Huwag palampasin ang brand-new episode na "My Heart Belongs To You," May 24, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Silipin ang mga eksena ng episode sa gallery na ito:






