Bilang isang batang lumaki sa kanayunan sa Pilipinas, maraming gabi ang ginugol ni Pauli Basubas sa pagtitig sa kalangitang puno ng mga bituin. Ngayon, isa na siyang space biologist.

Ang mga tahimik na gabing iyon, kasama ang panonood nila ng kaniyang lolo ng mga dokumentaryo ng NASA, ang naging simula ng kaniyang pangarap at nagdala sa kaniyang paglaki sa larangan ng space biology.

Ngayon, isa nang Pinay space biologist si Basubas na nakatuon ang mga pananaliksik sa biomedical research, drug discovery, at sa lumalawak na larangan ng commercial spaceflight.

"For the past 11 years, I've been training and working as a biomedical scientist, primarily in drug discovery research focused on cancer and viral diseases," pagbahagi ni Basubas sa Sparks of Joy ng GMA Pinoy TV.

Ayon sa kaniya, nagsimula ang kaniyang pagkahumaling sa kalawakan bago pa man siya pumasok sa laboratory.

"I grew up in a rural area where the night sky was incredibly clear. I would look up at the stars and just feel this sense of wonder," balik-tanaw niya.

"My lolo loved watching documentaries, so we would watch NASA missions together," sabi pa ni Basubas.

Kalawakan para sa lahat

Ayon kay Basubas, ang pag-usbong ng commercial spaceflight ay nagbubukas ng mga pagkakataon para sa mga bansa na kakaunti lang dati o walang kinatawan sa space exploration.

"The founders recognized that there are still many countries that have very few to no astronauts," aniya. "This is about widening space and ensuring that the future of space includes voices and talents from all over the world."

Higit pa sa kumpiyansa

Para kay Basubas, ang pagbibigay-kapangyarihan sa mga kababaihan sa larangan ng agham ay hindi lamang tungkol sa pagpapalakas ng loob.

"For me growing up in the Philippines, I personally did not feel limited because I was a woman. It was only when I was studying abroad that I became more aware of gender-based discrimination," pahayag niya.

Naniniwala si Basubas na ang tunay na empowerment ay nagsisimula sa pagbibigay ng mga pagkakataon.

"It's not just about having the confidence. It's really about access and opportunity," sabi niya. "It's about girls and young women seeing leaders who look like them—in government in science business and education."

Kasiyahan sa siyensya

Sa kabila ng mga hamon sa pananaliksik, sinabi ni Basubas na sa laboratoryo pa rin ang lugar kung saan siya pinakamasaya.

"When people ask why I became a scientist, I often say science makes me feel alive," sabi niya sa GMA Pinoy TV.

"Every time an experiment works, every time we have results that could contribute to solving the biggest problems in the world—such as chronic diseases or infectious diseases, it reminds me why I chose this path."

Para kay Basubas, hindi nasusukat ang tagumpay sa pag-iwas sa kabiguan kundi sa patuloy na pag-abot sa mga makabuluhang gawain.

"Joy is not the absence of failure or sadness," aniya. "It's choosing to continue because what you're doing matters."

Kayang mangarap ng mga batang Pinoy

Sa kasalukuyan, mayroon nang malaking bilang ng mga tagasubaybay si Basubas sa social media. Tinatayang aabot sa 185,000 kaniyang followers sa Facebook at 36,600 followers naman sa Instagram, kung saan ibinabahagi niya ang kaniyang paglalakbay.

Sinabi niyang patuloy siyang nagsisikap upang maging isang astronaut sa hinaharap, habang isinusulong ang mas malaking partisipasyon ng mga Pilipino sa larangan ng space science.

Inilarawan niya ang kaniyang misyon bilang pagbibigay-inspirasyon sa "Filipinos and island kids to dream" at pagsusulong ng "Space Biology for Humanity."

Sa isang Facebook post kamakailan, sinabi ni Basubas na, "I hope my journey can inspire others to keep pursuing their passions, stay committed to their goals, and continue working toward their dreams. Hard work may be tiring, but when it is driven by purpose, it becomes truly fulfilling."

Habang dumarami ang mga Pilipinong pumapasok sa mga umuusbong na larangan tulad ng space science, umaasa si Basubas na magsisilbing paalala ang kaniyang kuwento sa mga kabataang nangangarap na kahit nagsimula sa isang maliit na bayan, maaari pa ring maabot ang mga bituin. — FRJ GMA News