Rafael Rosell, kinumpirmang kasal noon pang April 2020

Inanunsyo ni Rafael Rosell na kasal na siya sa kaniyang non-showbiz girlfriend na si Valerie Chia noon pang 2020.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, June 27, inalala ni Tito Boy Abunda ang sinabi noon ni Rafael tungkol sa kasal na pinag-iisipan na niya. Nang tanungin siya ng batikang host kung siya ba ay kasal na ngayon, ang sagot niya, “Yes. It's a tough job, but it's something we decided nu'ng 2020.”
“We signed the papers just between us nu'ng April 20, 2020. Very quiet and 'cause that's our favorite number talaga,” sabi niya.
Ikinasal sila noong April 20, 2020, kasagsagan ng COVID-19 pandemic. Ayon kay Rafael, nagdesisyon sila ipagpatuloy pa rin ang kanilang wedding noon, ngunit nang lumala na ang sitwasyon ay kinancel na rin nila ito.
“All the way up to April, naka-on pa rin ' yung wedding invitations until mid-April when we decided to cancel na talaga kasi naka-mask na lahat, extreme lock down. Hindi na namin tinuloy 'yung ceremony but the signing of the papers, tinuloy” sabi niya.
Nilinaw naman ni Rafael na plano pa rin nilang ituloy ang ceremony eventually.
"Kasi, na-realize din namin na 'yung ceremony is for everyone, and for us, we're happy the way it is talaga so I think we owe them pakain.”
Ngayong kasal na siya, inamin ni Rafael na kung dati ay madali lang sa kaniya na bitawan ang mga katagang “I love you” sa kaniyang naging partners noon, ngayon ay hirap siyang sabihin ito.
Paliwanag ng aktor, “Like when you feel something so intense, ang hirap palang sabihin sa totoong buhay kasi totoong-totoo, e. So between us, we don't usually just say I love you, it's parang alam ko na, e, without your saying it.”
Paglilinaw niya ay expressive naman sila at malambing sa isa't isa, ngunit hindi naman nila talaga kailangan nang gawin dahil “we know na kasi.”
Samantala, tingnan dito ang ilan pang celebrities na ikinasal noong pandemic:

























