Rape victim, magiging hired killer sa 'Magpakailanman'

Hatid ng real-life drama anthology na Magpakailanman ang special two-part episode para ipagdiwang ang ika-23 anibersaryo nito.
Ang unang bahagi ay pinamagatang "Ang Babae sa Likod ng Krimen."
Matutunghayan dito ang kabataan ni Linda, babaeng magiging biktima ng panggagahasa ng sarili niyang ama.
Para matigil ang pang-aabuso, mapapatay niya ito.
Magpapakalayo si Linda at mapapadpad sa poder ng isang sindikato.
Matututo siya ditong gumamit ng baril at kalaunan ay magiging hired killer para sa grupo.
Ano ang kahihinatnan ng bagong buhay na ito ni Linda?
Abangan ang brand-new episode at unang bahagi ng two-part 23rd anniversary special na "Ang Babae sa Likod ng Krimen," November 29, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






