Rebelasyon na anak ni Cleofe si Emil, pumalo sa 12.3 percent ang ratings

GMA Logo royal blood

Photo Inside Page


Photos

royal blood



Gabi-gabi ang pasabog at rebelasyong nasasaksihan sa hit murder mystery series na Royal Blood. Patuloy rin ang paghataw nito sa ratings at mainit na tinututukan ng mga manonood.

Sa episode 57 ng Royal Blood na napanood noong Martes, September 5, bagong sikreto ang nabunyag tungkol sa tunay na relasyon nina Cleofe (Ces Quesada) at Emil (Arthur Solinap). Nalaman na ni Napoy (Dingdong Dantes) na anak ni Cleofe si Emil at isa itong Royales.

Ibinunyag na rin ni Cleofe sa lahat na hindi anak ni Gustavo (Tirso Cruz III) si Margaret (Rhian Ramos) at anak ito ni Victoria (Anna Marin) sa ibang lalaki.

Nakakuha ng 12.3 percent na ratings ang episode na ito ng Royal Blood at umani ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens.

Sa kabila ng pag-amin nina Cleofe at Emil, may pagdududa pa rin si Napoy sa kuwento ng mag-ina. Balikan ang mga nangyari sa episode 57 ng Royal Blood sa gallery na ito:


Pagkatao ni Margaret
Hindi anak ni Gustavo si Margaret
Katotohanan
Pagdiskubre ni Tasha sa sikreto ni Cleofe
May anak si Cleofe
Pag-alam ni Napoy ng katotohanan
Tapatan nina Napoy at Emil
Pagtatapat ni Cleofe
Yanni Bunagan
Royal Blood

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit