Rhian Ramos, ipinasilip ang behind-the-scenes photos ng laban kay Terra Prime

Isa sa mga hindi malilimutang labanan sa Encantadia Chronicles: Sang'gre ang matinding harapan nina Kera Mitena (Rhian Ramos) at Sang'gre Terra (Bianca Umali).
Gamit ang apat na Brilyante, mas lalo pang lumakas ang itinakda at nag-transform bilang Terra Prime.
Ngunit sa isang malaking twist, naging masama ang Sang'gre nang mahawakan niya ang Esperanto! Samantala, nakatakas naman sa panganib si Kera Mitena sa pagdating ng kanyang kakambal na si Cassiopea.
Hanggang ngayon, hindi pa rin mabitawan ng viewers ang tensyon at tanong—paano magwawakas ang digmaan ng mga Sang'gre at Mine-a-ve?
Tuluy-tuloy rin reaksyon ng fans, na sabik sa mga susunod na kaganapan patungo sa bagong yugto ng superserye.
Maging ang cast ay hindi na maitago ang excitement na mapanood ang mga matitinding eksena sa telebisyon. Kabilang rito si Rhian Ramos, na madalas magbahagi ng kanyang mga reaksyon at behind-the-scene snaps online.
Silipin ang off-cam moments nina Rhian Ramos at mga new-gen Sang'gre sa gallery na ito.








