Richard Cruz at Jojo Nones, itinanggi ang sexual harassment accusations ni Sandro Muhlach

GMA Logo Sandro Muhlach
Source: GMA Integrated News Livestream

Photo Inside Page


Photos

Sandro Muhlach



Mariing itinanggi nina Richard Cruz at Jojo Nones ang sexual harassment allegations na isinampa sa kanila ng aktor na si Sandro Muhlach sa National Bureau of Investigation o NBI.

Sa Fast Talk with Boy Abunda, ibinalita ng batikang TV host na si Boy Abunda ang naging pagdalo nina Richard at Jojo sa Senate inquiry ng Committee on Public Information and Mass Media na ginanap Lunes ng tanghali, August 12.

Sa nasabing pagdinig, emosyonal na itinanggi ng dalawang akusado ang mga akusasyong ibinabato sa kanila ng binatang aktor.

Pahayag ni Richard, “Hindi po kami gumawa ng kahit na anong sexual harrasment or abuse laban kay Sandro Mulach.

“Sa tinagal-tagal po namin sa industriya, wala po kahit ni isang reklamo sexual man o ano man ang nai-file sa amin kaya hindi po namin sisirain ang iniingatan naming pangalan at karera at reputasyon para makapang-abuso o harass ng isang tao.”

Dagdag pa ni Jojo, kaya nilang mapatunayan na wala silang ginawang masama kay Sandro. Nanawagan din sila sa publiko na hintayin muna ang resulta ng imbestigasyon bago sila husgahan.

“Sa huli, kami rin po ay humihiling na mabigyan sana ng hustisya ang malisyosong pambibintang sa amin. Kaya po naming mapatunayan sa piskalya o korte na wala kaming kasalanan. Hintayin lang po sana natin ang proseso, ang due process. Habang hinihintay po 'yan, humihiling po kami sa sambayanan na huwag n'yo po muna kaming husgahan na parang mga convicted criminal,” ani Jojo.

Nagbigay din ng mensahe si Jojo para kay Sandro. Aniya, “Kay Sandro, wala kaming ginawang masama sa'yo at alam mo 'yan sa puso mo. Hindi pa huli ang lahat [para] magsabi ng totoo.”

Ayon pa sa Today's Talk ni Boy, kinumpirma ni Jojo na sila ay magka-text ni Sandro pagkatapos ng GMA Gala noong July 20. Pero giit niya na si Sandro 'di umano ang kusang pumunta sa kanilang hotel room ni Richard at hindi niya inimbitahan ang aktor.

Itinanggi rin ni Jojo ang alegasyong nilagyan ng substance ang wine na ininom ng aktor.

Sa ngayon ay gumugulong pa rin ang imbestigasyon sa kasong ito kasama sina Richard, Jojo, at Sandro.

Samantala, sa Senate hearing naman noong August 7 na dinaluhan ni GMA Network Senior Vice President for Programming, Talent Management, Worldwide, and Support Group, Atty. Annette Gozon-Valdes, nilinaw niya na pinatawan na ng GMA ng preventive suspension sina Jojo at Richard matapos maghain ng reklamo ni Sandro at habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon at pagdinig sa senado.

“We immediately issued a preventive suspension order to the two being accused of Mr. Sandro Muhlach. Now we are waiting for their reply because, of course, we follow the procedures of due process,” ani Atty. Annette.

Dagdag pa niya, “Despite the fact that they are independent contractors, we can still take jurisdiction over the HR complaint filed by Mr. Sandro Muhlach and we can still apply our Code of Conduct to this case.”

RELATED GALLERY: Meet Sandro Muhlach, Nino Muhlach's eldest son


Sandro Muhlach
Muhlach clan
Full name
Theatre Actor
Basketball
Family bonding
Singer
Model
Car
Future
Handsome
Son
Sparkle artist
On his own
Proud
Expecially For You
Beach
GMA Gala 2024

Around GMA

Around GMA

Chile votes in presidential race expected to lurch country to the right
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE