Richard Yap, mapapanood bilang Doc RJ sa 'Magandang Dilag'

Mapapanood ang aktor na si Richard Yap sa GMA Afternoon Prime series na 'Magandang Dilag' ngayong linggo.
Sa bagong teaser ng revenge-drama series, magkakaroon siya ng cameo appearance bilang Doc RJ Tanyag, ang karakter niya sa hit seryeng 'Abot-Kamay Na Pangarap,' sa 'Magandang Dilag.'
Magkikita sina Doc RJ at Gigi, ang karakter ng bida ng 'Magandang Dilag' na si Herlene Budol, sa isang ospital.
Na-starstruck si Gigi sa doktor, na ama ni Dra. Analyn Santos, na ginagampanan ni Jillian Ward sa 'Abot-Kamay Na Pangarap.'
Bibigyan din ng love advice ni Doc RJ si Atty. Eric, binibigyang-buhay ni Benjamin Alves, na noon pa may gusto kay Gigi.
Tingnan ang ilang larawan ni Richard mula sa set ng 'Magandang Dilag' sa gallery na ito.







