Fast Talk with Boy Abunda
Rico Blanco, napapayag sa upcoming film na 'Project Baby' dahil sa direktor nito

Para sa iba, maituturing na leading man era ng dating Rivermaya frontman na si Rico Blanco ang pagsabak niya sa upcoming movie na Project Baby. Ngunit sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, May 21, inamin ng OPM legend na hindi niya magawang gamitin ito, lalo na at isang proyekto pa lang ang nagagawa niya.
“Well, it's just one movie for now, but I don't know if we can call it an era. But it is fascinating to be doing this now, after all these years of doing music and all the other stuff,” sabi ni Rico.
Pag-amin pa ng singer-songwriter, natagalan siya bago matanggap na makikita ang sarili sa isang movie poster. Pero paano nga ba napapayag si Rico na gawin ang pelikula? Alamin sa gallery na ito:









