Rita Avila, naiilang ba sa tuwing ipinapareha siya sa mas batang leading men?

Excited na ipinakilala ni Rita Avila sa pagbisita sa programang Fast Talk with Boy Abunda ngayong Biyernes (March 1) ang bagong role na gagampanan sa Lilet Matias, Attorney-At-Law.
Sa upcoming legal series ng GMA, makikilala si Rita bilang Lorena, isang philanthropist na hinahangaan ni Lilet (Jo Berry).
"Philanthropist ako tapos isa akong host ng public affairs na show. Tinulungan ko si Lilet na makapag-aral kaya siya naging lawyer," sabi ni Rita. "Parang idol lang n'ya ako, lagi n'yang pinapanood ang show ko."
Balikan ang ilan pang napag-usapan nina Rita Avila at King of Talk Boy Abunda sa gallery na ito:







