Rochelle Pangilinan, sa success 'SexBomb: The Reunion' concert: 'Nagkaroon lahat ng confidence ang girls'

Pagkatapos ang matagumpay na reunion concert ng SexBomb Girls, binalikan ni Rochelle Pangilinan ang ilan sa mga hindi malilimutang pagkakataon at mga pinagdaanan ng kanilang grupo.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, June 23, binalikan ni Rochelle noong walang silang makuhang producer para sa concert.
“Nu'ng mga panahon na 'yun, inisa-isa po talaga namin, ginapang talaga namin. Kaya lang sadyang siguro malamang nakalimutan na nila kami, na parang baka siyempre kikita, kita pa rin naman, e. So ayun, wala po talagang nag-go sa amin bukod sa NYT (NY Entourage Productions),” sabi ni Rochelle.
Ngunit hindi lang ito ang masasabi ni Rochelle na memorable dahil sa gallery na ito, ibinahagi niya ang lahat ng hindi niya, at ng kaniyang grupo, malilimutan sa kanilang mga concert:









