Rookie employees, magpapatalbugan sa 'Regal Studio Presents: Aisle Two I Love You'

Isang cute, workplace romance ang dapat abangan sa bagong episode ng weekly anthology series na Regal Studio Presents.
Pinamagatang "Aisle Two I Love You," kuwento ito nina Nicole at AJ na parehong new hires na isang grocery store.
Pareho nilang sinisikap na maging employee of the month dahil sa pangakong bonus ng kanilang boss.
Sa gitna ng pagpapatalbugan nila, sparks will fly!
Sino kina Nicole at AJ ang magiging employee of the month? Mas matimbang ba ang kanilang professional rivalry o ang budding romance sa pagitan nila?
Huwag palampasin ang brand-new episode na "Aisle Two I Love You," May 17, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Silipin ang mga eksena ng episode sa gallery na ito:






