Ruru Madrid, inihayag ang nais na mapasama sa MMFF 2024

Sa nalalapit na pagtatapos ng hit action drama series na Black Rider, isang bagong proyekto naman ang paghahandaan ng action drama hero na si Ruru Madrid; ang Metro Manila Film Fest (MMFF) entry na 'Green Bones.'
Dito, makakasama niya si Dennis Trillo at Sofia Pablo. Makakatrabaho rin niya si Direk Zig Dulay na siya ring direktor ng MMFF 2023 Best Film na 'Firefly.' Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, July 25, sinabi ni Ruru na minanifest niya ang makagawa ng MMFF entry ngayong taon.
Tingnan sa gallery na ito ang detalye na ikinuwento ni Ruru:









