Sanya Lopez, Gabbi Garcia, at Jeric Gonzales, nag-ala Sugod Bahay Gang sa Parañaque

Mega support ang ipinakita ng mga residente ng Barangay Tambo, Parañaque City sa biglaang pagbisita ng cast ng mythical primetime mega serye na 'Mga Lihim ni Urduja' na sina Sanya Lopez, Gabbi Garcia, at Jeric Gonzales sa kanilang lugar noong Biyernes, March 31.
Sa ilang mga larawang kuha ng GMANetwork.com, makikita ang mainit na pagtangkilik ng mga fans sa tatlong Kapuso stars.
Silipin sa gallery na ito ang mga kaganapan mula sa kanilang Sugod Bahay adventure.







