SB19 Josh, humingi ng mana kay Tyang Amy Perez

Sa entertainment industry, madalas ay hindi inaasahan na ang isang artista ay kamag-anak pala ng isa pang artista o TV personality. Katulad na lang ng nadiskubre ni It's Showtime host Amy Perez kamakailan lang, kung saan dahil sa isang litrato ay nalaman niyang pamangkin pala niya ang SB19 member na si Josh Cullen.
Sa X (dating Twitter) ay nag-post ng isang litrato si Amy ng isang grupo ng mga tao. Sa caption, sinabi niyang ang lola umano ni Josh ay pinsan ng mama ng batikang host na parehong nasa naturang litrato.
Dito, kinumpirma ni Amy, “Look @joshcullen_s 'yung Lola mo pala pinsan ng mama ko so pamangkin kita? Tama ba?”
Sagot naman ni Josh, “Tama po! Ibig sabihin po ba nun pwede niyo na ko bigyan ng mana? ”
Natatawang balik ni Amy sa young star, “Hahahaha mana agad? Mas mayaman ka sa akin! ”
Look @joshcullen_s yung Lola mo pala pinsan ng mama ko so pamangkin kita? Tama ba? pic.twitter.com/oanU2keDD7
-- Amy Perez (@tyangamyp) November 16, 2024
Samantala tingnan ang iba pang Pinoy celebrities na magkakamag-anak pala sa gallery na ito:




























































