
Maraming netizens ang natuwa at naaliw sa hinihintay na muling pagkikita ng Kings of P-pop na SB19 at ang It's Showtime host na si Amy Perez.
Nitong Lunes, October 21, dumayo sa studio ang kilalang P-pop group bilang guest performers ng "Magpasikat" team nina Vice Ganda, Karylle, at Ryan Bang.
Sa entablado, hinarana ng SB19 ang madlang Kapuso ng ni-relyric nilang kanta na "Liham." Sa backstage naman, nagbigay sila ng saya habang nakipag-usap sa mga host, lalo na kay Tyang Amy.
Sa isang post sa X (dating Twitter), maraming madlang onliners ang nagpuso sa litrato ng host kasama ang SB19.
Sinulat ni Amy sa caption, "Natupad din ang date with your Tyang na lang! 'Di ba Justin hehehehehe."
Dagdag pa niya, "Stell, pagtanggol mo ako!"
Habang isinusulat ang artikulo, umabot na ito ng 7,000 reactions at 1,800 shares. Nag-trending din ang mga pangalang "SB19" at "Tyang Amy" sa X.
Natupad din ang date with your Tyang na lang! Di ba @sb19_justin7 hehehehehe @officialsb19 natawa tuloy si @sb19stellar pagtanggol mo ako! 🤣🤣🤣 #funfuntyangamy #funfunwithsb19 pic.twitter.com/hZFFpUxNKy
-- Amy Perez (@tyangamyp) October 21, 2024
Ang kanilang nakakaaliw na interaksyon ay nag-umpisa sa isang internet livestream ng grupo. Habang nakikipag-usap ang P-pop artists sa kanilang fans, napansin ni Stell ang comment ni Tyang Amy, na sinabing paborito niya ang kanilang kantang "Mapa."
"Wait lang, nanonood si Tyang Amy! Hello po!" bati ni Stell sa livestream.
"'Yung artista ba 'yan?" pabulong na tanong ni Pablo, na sinagot naman ni Stell ng "Oo."
Nag-umpisa ang kanilang kulitan nang inamin ni Pablo na akala niya kamag-anak ni Stell ang binati niya.
Anito, "Akala ko tita mo!"
"Si Tyang Amy nga ito. Ang tyang ng buong bayan," hirit ni Stell.
Hindi mapigilang tumawa ang lahat nang kinumpirma rin ng host sa comment section na siya nga ang sinasabi ni Stell.
Patuloy nagbibigay ng saya si Tyang Amy sa fun noontime program na It's Showtime.
Samantala, napapanood sina Stell at Pablo sa singing competition show na The Voice Kids. Habang ang ibang miyembro ng grupo ay abala sa kanilang solo projects o career.
Balikan ang listahan ng Kapuso stars na bumisita sa It's Showtime:
>