Sean Lucas shares what happened behind the scenes of 'The People Have Spoken' pilot episode

Tila "surreal" pa rin ang nararamdaman ni Sean Lucas matapos ang pilot episode ng pinakabagong GMA original game show na The People Have Spoken!
Nitong Sabado (June 6), nasaksihan ng viewers ang high-energy performance ni Sean kasama ang bubbly Kapuso host na si Heart Evangelista.
Mula sa kanyang quick-witted banter hanggang sa kanyang charismatic charm sa stage, umani ng papuri ang Sparkle star mula sa netizens.
Para kay Sean, isa ring malaking milestone ang The People Have Spoken sa kanyang career at personal na buhay.
Bukod sa pagiging una niyang hosting stint sa isang game show, naghatid din ito ng maraming dream-come-true moments at mahahalagang life lessons na kanyang pinasasalamatan ngayon.
Silipin ang kanyang behind-the-scenes snaps sa The People Have Spoken, dito:







