Sef Cadayona, hands-on dad sa kanyang first baby

Nito lamang March 21, ibinalita ni Sef Cadayona at ng kanyang non-showbiz partner na si Nelan Vivero sa kanilang Instagram followers na isinilang na ang kanilang first baby.
Unang nag-post si Nelan tungkol sa kanilang anak ni Sef, na sinundan naman ng aktor.
Sa bagong post ni Nelan sa Instagram, nakatanggap ng papuri si Sef tungkol sa kanyang pagiging daddy kay Baby Herminia.
Mapapansin sa post na labis na hinahangaan ni Nelan si Sef sa pagiging hands-on dad sa kanilang anak.
Sulat ni Nelan sa kanyang appreciation post para kay Sef, “Sobrang swerte ni Anya na ikaw ang tatawagin niyang Daddy.
“PS. Sa sobrang bihira niya matulog, mas expert na siya sa lahat pagdating kay Anya,” pahabol pa niya.
Sa comments section ng post ni Nelan, mababasa ang pabirong naging reaksyon ni Sef.
Matatandaang August 30, 2023 nang ibahagi ni Sef sa social media na engaged na sila ng kanyang non-showbiz partner na si Nelan.
Take a look at some of the sweetest moments of newly-engaged Sef and Nelan in this gallery:









