Shayne Sava, Prince Carlos, pinakilig ang mga Kapuso sa 30th National Migrant Workers Day

Naghandog ng saya at kilig ang Mommy Dearest stars na sina Shayne Sava at Prince Carlos nang dumalo sila sa 30th National Migrant Workers Day para sa Global Pinoys.
Ang Migrant's Workers Day ay isang pagdiriwang para bigyang pugay ang mga migrant workers o overseas Filipino workers (OFW) na lumilipad sa iba't ibang bansa para magtrabaho.
Isang heartfelt celebration na puno ng saya, music, at favorite Kapuso stars ang inihanda para bigyang pugay ang strengths at sacrifices ng tinatawag ngayon na modern-day heroes.
Balikan ang hatid na saya at kilig nina Shayne at Prince sa naturang pagdiriwang sa gallery na ito:








