Silipin ang makulit at masayang pictorial ng 'Love at First Read'

Naniniwala ba kayo sa love at first sight? Sa love at first read? Malapit nang masagot ang tanong na 'yan sa pagsisimula ng bagong kilig series ng GMA na 'Love at First Read' na pinagbibidahan ng Sparkle sweethearts na sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara.
Ang 'Love at First Read' ay ang second installment ng 'Luv Is' series, na collaboration project ng GMA at ng Wattpad Webtoon Studios. Hango ito sa hit Wattpad novel na may parehong titulo na isinulat ng Filipino author na si Chixnita.
Kamakailan, sumalang na sa isang fun shoot and pictorial ang cast nito kabilang ang tambalang MavLine, Sparkle stars na sina Therese Malvar, Marco Masa, Pam Prinster, Mariel Pamintuan, at Kapuso young heartthrobs na sina Bruce Roeland, Larkin Castor, at Josh Ford. Kasama rin nila ang TikTok stars na sina Gabby, at Kiel Gueco o mas kilala bilang Gueco Twins, at ang seasoned actors na sina Jestoni Alarcon, Jackie Lou Blanco, at Maricar de Mesa.
Silipin ang mga naging kaganapan sa nasabing pictorial sa gallery na ito:








