SNEAK PEEK: Inside the 45-day lock-in taping of 'Lolong'

Damang-dama ang excitement ng cast ng upcoming na dambuhalang action serye sa bansa na 'Lolong.'
Nagsimula noong nakaraang taon ang lock-in taping ng serye at matapos ang bakasyon para magpahinga, bumalik na muli ang cast at crew nito para sa isa na namang leg ng lock-in taping.
Ayon sa bida ng serye na si Ruru Madrid, 45 days tatagal ang lock-in taping nila.
Masipag magbahagi ng ilang behind-the-scenes photos at videos si Ruru pati ang mga kanyang mga co-stars na sina Shaira Diaz, Arra San Agustin, Paul Salas, Mikoy Morales at marami pang iba.
Ang 'Lolong' ay kuwento ng binatang si Lolong, role ni Ruru, na may kakaibang kakayanan na makipag-usap sa dambuhalang buwaya na si Dakila.
Silipin sa gallery na ito ang ilang mga eksena mula sa 45-day lock-in taping ng 'Lolong.'
Keywords: lolong, ruru madrid, shaira diaz, arra san agustin, paul salas, mikoy morales, lock in taping, villa escudero, entertainment, behind the scenes, taping, celebrities, photos, rss, rssfeed









