
Magpapatuloy na ang lock-in taping ng upcoming action-drama serye na Lolong.
Image Source: rurumadrid8 (Instagram)
Ayon sa bida na si Action Drama Prince Ruru Madrid, 45 days tatagal ang kanilang taping sa isang hacienda resort sa Quezon.
Sa kanyang Instagram account, nagbahagi si Ruru ng ilang litrato ng unang araw matapos niyang magbalik sa set.
"Lolong 🐊 45 days here in the taping bubble > let's go team Lolong! Fighting! 😉," sulat niya sa caption ng post.
Nasa set na rin sina veteran actor Christopher de Leon at Shaira Diaz na isa sa leading ladies ni Ruru sa serye.
"Armando x Elsie 🐊 Isang karangalan po ang makatrabaho ka, Tito Bo ❤️," pahayag ni Shaira sa kanyang Instagram account kalakip ng picture nila ni Christopher habang in character.
Ready na rin si Paul Salas na ipakilala sa mga manonood ang kanyang karakter sa serye.
"Ready For LOLONG 🐊 - MARTIN BANZON," lahad ni Paul sa caption ng kanyang Instagram post kung saan makikita siyang nasa gitna ng mga tents.
Ibinahagi din ng aktres na si Jean Garcia sa kanyang Instagram follower na pabiyahe na siya patunong Quezon para makabalik sa set ng Lolong.
"Diziziiiittt…on our way to Quezon, yipeeeee!!! 💛🌻x, jg #lolong #workbound #grateful #toGodbealltheglory 🙏🏻🙏🏻🙏🏻," bahagi niya sa kanyang post.
Ang Lolong ay kuwento ng binatang si Lolong, role ni Ruru, na may kakaibang kakayanang makipag-usap sa isang dambuhalang buwayang si Dakila.
Bukod kina Ruru, Shaira, Christopher, Jean at Paul, bahagi din ng bigatin at star-studded cast sina Arra San Agustin, Bembol Roco, Malou de Guzman, Rochelle Pangilinan, Ian de Leon, Mikoy Morales, DJ Durano, Marco Alcaraz, at Maui Taylor.
May special participation din sa serye sina Leandro Baldemor and Priscilla Almeda.
Abangan ang Lolong, ang dambuhalang adventure-serye sa Philippine primetime, soon on GMA Telebabad.