SNEAK PEEK: Lianne Valentin at Jeric Gonzales, mag-ex sa 'Regal Studio Presents: About the bride'

Tampok ang kwento tungkol sa past relationships at pagmu-move on sa bagong episode ng 'Regal Studio Presents.'
Bida rito ang Kapuso actress na si Lianne Valentin sa episode na pinamagatang "About the bride" kung saan gaganap siyang soon-to-be bride na si Isabel.
Ikakasal si Isabel sa kanyang boyfriend na si Rodel, na bibigyang buhay ni Anjo Pertierra.
Hands-on si Isabel sa kanyang wedding preparations kahit gaano ito ka-stressful pero ang higit na magpapa-stress pala sa kanya ay ang muling pagkikita nila ng kanyang ex na si Ced.
Gagampanan ng aktor na si Jeric Gonzales ang papel na Ced, na owner pala ng resort na binook ni Isabel bilang kanyang wedding venue.
Maituturing pa ba ni Isabel itong dream wedding ngayon pa at biglang sumulpot matapos ang mahabang panahon ang old flame niyang bigla na lang siyang iniwan sa ere noon?
At makuha na niya kaya ang closure na inaasam niya bago pa man siya lumagay sa tahimik?
Abangan 'yan sa "About the bride" ngayong Linggo, December 4, 11:15 a.m. sa 'Regal Studio Presents.'
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:
Keywords: regal studio presents, about the bride, lianne valentin, jeric gonzales, anjo pertierra, allora alcantara, entertainment, television, photos, rss, rssfeed






