Spoiled brat, mawawalan ng yaman sa 'Regal Studio Presents: Poor Nepo Baby'

Napapanahon ang bagong episode ng weekly anthology series na Regal Studio Presents.
Pinamagatang "Poor Nepo Baby," kuwento ito ng isang spoiled brat na mapipilitang mamuhay ng simple.
Mahilig mag-flex online ang "nepo baby" na si Ashley (Jade Tecson) pero biglang magbabago ang buhay niya nang ma-expose ang corruption ng tatay niya.
Dahil wala nang matuluyan at walang ibang maaasahan, tutulungan siya ni Bebang (Riel Lomadilla) na dating empleyado ng kanilang pamilya.
Ano kaya ang matututunan ni Ashley tungkol sa hirap ng buhay kasama si Bebang?
Huwag palampasin ang brand-new episode na "Poor Nepo Baby," May 10, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Silipin ang mga eksena ng episode sa gallery na ito:






