Stories from the Heart: The End of Us: The Finale

Mainit na sinubaybayan ng maraming manonood ang unang pagtatambal sa isang Kapuso serye ng real-life celebrity couple na sina Carmina Villarroel-Legaspi at Zoren Legaspi sa 'Stories from the Heart: The End Of Us.'
Gumanap ang dalawa bilang sina Maggie Corpuz at Jeffrey Guevarra, ang mag-asawang naghiwalay dahil sa marami nilang pagkakaiba, hindi mapagkasunduan, at pangangaliwa ni Jeffrey sa kaibigan mismo ni Maggie na si Eunice Uytengco (Ariella Arida) hanggang sa humantong na sila sa madugong proseso ng annulment.
Nakasama nina Carmina at Zoren sa nasabing series ang beauty queen na si Ariella Arida, batikang aktor na si Johnny Revilla, Karel Marquez at si Andrew Gan.
Matapos ang tatlong linggong pag-ere sa telebisyon, ngayong araw, January 7, ang naging pagtatapos ng serye. Balikan ang mga tagpo sa huling linggo ng 'Stories from the Heart: The End Of Us' DITO:












