Fast Talk with Boy Abunda
Sugar Mercado at Jeromy ng HORI7ON, inialay ang kanilang winning performance sa pamilya

Isang winning performance ang hatid nina Sugar Mercado at Jeromy ng Hori7on sa naganap na grand finals ng Stars on the Floor nitong Linggo, May 31. Dahil dito, sila ang itinanghal bilang Ultimate Dance Star Duo.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, June 1, inamin ni Sugar na naging gabay nila sa kanilang performance ang Panginoon.
“Sa lahat ng paghihirap, saya, kaba, pangamba, at saka 'yung fear mo, lahat na-conquer mo. And God is good all the time talaga. Sabi ko nga sa 'yo, Tito Boy, si Lord na lang 'yung bukod-tanging hinahawakan namin,” sabi ni Sugar.
Samantala, alamin kung kanino nga ba inaalay nina Sugar at Jeromy ang kanilang winning performance sa gallery na ito:









