Born to Shine
Tessie Tomas, ibinahagi ang ilang behind-the-scenes sa 'Born to Shine'

Namaalam na ang karakter ng beteranang aktres na si Tessie Tomas sa GMA Afternoon Prime series na 'Born to Shine.' Sa kabila ng madamdaming tagpo at drama sa pagkawala ng kaniyang karakter, nananatili pa rin ang saya at pagiging komedyante niya sa likod ng kamera.
Sa kaniyang Instagram account, makikita ang ilang behind-the-scenes ni Tessie sa set ng musical drama series. Kabilang dito ang mga litrato na niya kasama ang kanyang co-stars niya tulad nina Vina Morales, Olive May, Manilyn Reynes, Zephanie, at iba pang aktor sa programa.
Tingnan ang ilan sa mga nakatutuwa at nakaaaliw na mga tagpo sa likod ng kamera rito:









