GMA Logo Tessie Tomas in Born to Shine
Source: 24 Oras
What's on TV

Tessie Tomas, nahirapan mamaalam sa karakter niyang si Lola Amelia sa 'Born to Shine'

By Kristian Eric Javier
Published September 2, 2026 12:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magkakapatid na OFW, bakit sabay-sabay napauwi ng Pilipinas? | GMA News Feed
KALURKS!: Aiai Delas Alas at Kim Ji-soo, makakasama sa chismisan! (Episode 1 Teaser)
Kelsey Merritt, Alex Eala share a hug at New York Fashion Week

Article Inside Page


Showbiz News

Tessie Tomas in Born to Shine


Isang malungkot na pamamaalam ang napanood sa 'Born to Shine' sa pagpanaw ni Lola Amelia.

Hindi naging madali para sa beteranang aktres na si Tessie Tomas na mamaalam sa karakter niya na si Lola Amelia sa GMA Afternoon Prime series na 'Born to Shine.' Ayon sa aktres, naging malapit na kasi siya sa kaniyang co-stars.

Sa report ni Athena Imperial para sa 24 Oras, inamin ni Tessie na mami-miss niya ang cast members sa musical drama series na nakasama niya ng ilang buwan.

"'Yang si Vina at saka si Mane, sobra ko silang inidolo kasi hindi sila namimili talaga at hindi sila nagrereklamo at all tungkol sa ilubog sa putik, o kaya ay mahulog sa hagdanan," sabi ni Tessie tungkol sa co-stars niyang sina Vina Morales at Manilyn Reynes.

Samantala, thankful naman si Vina Morales, na gumaganap sa karakter ni Dara Halari, na naranasan niya ang professionalism ni Tessie sa serye.

"Very strict, I must say. Very strict in a way na alam mo naman it's good for you. Talagang she says what she feels, 'yung ganu'n," ani Vina.

Dagdag pa ng singer-actress, very straightforward si Tessie sa pagbibigay ng advice sa kanila.

BALIKAN ANG BEHIND THE SCENES SA NAGANAP NA MEDIA CON NG 'BORN TO SHINE' SA GALLERY NA ITO:


Aminado naman si Olive May, na gumaganap sa karakter ni Megan na isa sa mga apo ni Amelia, na na-intimidate siya noong una sa batikang aktres.

Ibinahagi pa ng young star ang isang encounter na talagang tumatak sa kaniya, "May pinlay siyang song and she shared something very personal to me, and then sabay lang kaming umiyak with that song. And then she asked me na mag-share ako ng something personal sa kaniya, and I also did, and I felt comfortable na after that."

Sa kabila ng pagiging strikto ni Tessie sa set, ipinapakita naman ng batikang aktres ang kwelang side niya in between takes. Ayon kay Olive, nakakapag-joke pa rin ang batikang aktres, at saka babalik sa emosyon na kailangan nito sa eksena.

Ani Vina, "If you know her by heart, wow, she has a good heart and napakabuting tao. She's very loving, actually."

Sa episode nitong Lunes, muling naospital si Amelia na iniinda ang kaniyang stage 3 bone cancer. Ayon sa mga doktor, nagkaroon ng mild cardiac infarction o heart attack at kahit na-stabilize na ay high-risk pa rin ito.

Hindi nagtagal ay nagising na sa wakas si Amelia at hiniling na makita ang dalawang apo niya, sina Megan at Jeni (Zephanie), kung saan ibinahagi niya ang paboritong kanta ng anak na si Dio (Rayver Cruz), ang ama nilang dalawa.

Habang kumakanta, nakitang muli ni Amelia si Dio at sinabing iyon na ang tamang oras para sumama ito sa kaniya. Sinasabayan din nina Megan at Jeni ang kanilang lola sa pagkanta at hindi nagtagal, payapa itong pumanaw.

Panoorin ang report ng 24 Oras dito: