The cast of 'Forever Young' during their pictorial

Handa nang ipanalo ni Euwenn Mikaell ang bawat hapon sa kanyang kauna-unahang TV lead role sa Forever Young, na paniguradong bibihag sa puso ng manonood.
Sa Forever Young, magbibigay inspirasyon si Euwenn bilang Rambo, isang 25-year-old na na-trap sa katawan ng isang 10-year-old dahil sa rare medical condition na panhypopituitarism kung saan naapektuhan ang paglaki nito.
Sa kabila ng kaibahan, ipaglalaban niya ang misyon para sa pamilya at sa maraming tao.
Makakasama ni Euwenn sa Forever Young sina Michael De Mesa, Eula Valdes, Rafael Rosell, Alfred Vargas, Nadine Samonte, Althea Ablan, Princess Aliyah, Bryce Eusebio, James Blanco, Yasser Marta, Matt Lozano, at Abdul Raman.
Tingnan ang ilang behind-the-scenes photos ng cast sa naganap nilang pictorial sa gallery na ito:














