The Voice Generations Recap: The talented groups who passed the last blind auditions

Sa huling gabi ng blind auditions ng The Voice Generations noong Linggo, September 24, limang team ng mga mahuhusay na talent ang nagpakitang gilas gamit ang kanilang pangmalakasang mga boses.
Kabilang sa mga team na ito ay ang mother-and-daughter duo na sina Jill and Grace, duo rin na sina Kris and Cha, father-and-son duo na sina Mark and Willy, trio na Chancess, at girl group na GCode.
Sa kabila ng kanilang mga husay, apat na teams lamang ang napili ng apat na coaches na sina Billy Crawford, Julie Anne San Jose, Stell Ajero, at Chito Miranda upang magpapatuloy sa kompetisyon.
Kilalanin ang grupo ng mga talent na kumumpleto sa teams ng coaches sa huling blind auditions ng The Voice Generations:







