Thea Tolentino tuwang-tuwa nang makarating sa US para sa kanyang international film project 'Take Me To Banaue'

Enjoy na enjoy ang Sparkle actress na si Thea Tolentino sa kaniyang work and vacation sa Amerika kasama ang kaniyang mga kaibigan at cast ng international romantic-comedy film na Take Me To Banaue.
Sa kaniyang social media, ibinahagi ni Thea ang ilan sa kaniyang memorable activities habang pino-promote ang pelikula at ine-explore ang ilan sa sikat na pasyalan sa US.
Ang pelikulang Take Me Banaue ay gawa ng US-based Filipino filmmaker na si Danny Aguilar. Una itong ipinalabas noong Pebrero sa Houston, Texas at nagkaroon ngayon ng private screening sa ilang sinehan sa Dallas, Texas.
Kasama ni Thea sa nasabing pelikula ang model-actress na si Maureen Wroblewitz, American actors na si Brandon Melo at Dylan Rogers.
Silipin ang mga larawan ng masayang workation ni Thea sa Amerika, DITO:











