
Sa pagpasok ng bagong taon, binalikan ni Thea Tolentino ang simula ng kanyang pangarap na maging isang aktres.
Ayon kay Thea, second year high school siya noong magsimula ang "curiosity" niya sa acting.
"'Di ko alam kung saan magsisimula noon basta ang alam ko kailangan ko ng character development workshops. Two years later, wala akong ginawa about it until nu'ng tinry kong mag-audition for Protege Season 2."
Nagsimula ang karera ni Thea sa showbiz nang tanghalin siyang "Female Battle Champ" ng reality TV series ng GMA na Protege: The Battle for the Big Artista Break noong 2012.
"To my surprise, isa ako sa mga nanalo. Malaking pasasalamat sa family, friends, and fans sa walang sawang sumuporta," dagdag ng 26-year-old actress.
Sa ngayon, nananatiling proud at loyal Kapuso si Thea matapos na muling pumirma ng kontrata sa Sparkle GMA Artist Center noong Nobyembre.
"It's been 10 years mula no'n at hindi ko inakala na marami akong mararating at matututunan. Bago matapos ang taong ito, ulitin ko lang na I am truly grateful for a decade with GMA Network, Sparkle GMA Artist Center, at sa lahat ng mga nakilala ko, thank you.
"Salamat at pinagkatiwalaan n'yo ako mula sa mabait kong roles hanggang sa pagsampal sa iba n'yong artista. To more years as a Kapuso. Forever proud to be Kapuso!" sulat ni Thea sa kanyang Instagram post.
Patuloy na napapanood si Thea bilang Dahlia Chua sa Mano Po Legacy: The Flower Sisters sa GMA Telebabad.
MAS KILALANIN SI THEA TOLENTINO SA GALLERY NA ITO: