Then And Now: Photos of Gabby Concepcion that prove he ages like fine wine

Marami mang aktor ang nabansagang matinee idol noon, nag-iisa pa rin si Gabby Concepcion.
Unang nakilala si Gabby noong dekada '80s noong lumabas siya sa commercial ng isang toothpaste brand.
Sa edad na 15 taon, lumabas siya sa kanyang kauna-unaahang pelikula at simula noon ay nagtuloy-tuloy na ang kanyang karera sa mundo ng showbiz.
Ngayon sa edad na 58, iba pa rin ang charm na hatid ng aktor kaya naman patuloy pa rin niyang nakukuha ang lead roles sa ilang teleserye tulad ng 'Love You Two' at 'Ika-6 na Utos.'
Bukod dito, nagpakilig din si Gabby bilang si President Glenn Acosta sa 'First Yaya' at sa sequel nitong 'First Lady.'
Tingnan ang ilang litrato ni Gabby, na tila angat pa rin ang kanyang kaguwapuhan, noon hanggang ngayon, sa gallery na ito.

































