'TiktoClock' cast, Xian Lim, nagpasaya sa GenSan City

Nakisaya ang hosts ng variety show na TiktoClock na sina Kim Atienza at Jayson Gainza, kasama ang Sparkle artists na sina Unica Hija star Ashley Ortega, at Hearts On Ice leads na sina Faith Da Silva at Xian Lim sa Kalilangan Festival na ginanap sa General Santos City.
Bukod sa pagpapatawa at saya na bitbit ni Jayson, may dalang information din si Kuya Kim para sa mga audiences at mainit na performance galing naman kina Ashley, Faith at Xian na siguradong kinagiliwan ng mga dumalo sa mall show.
Tingnan ang pagpapasaya na dulot ng TiktoClock hosts at Sparkle artists sa Kalilangan festival sa gallery na ito:













