GMA Logo Kuya Kim Atienza, Rabiya Mateo, Faith Da Silva, Pokwang
What's Hot

Kuya Kim Atienza, Rabiya Mateo, Faith Da Silva, tinutukan ang emosyonal na interview ni Pokwang

By Maine Aquino
Published February 6, 2023 12:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Filipinos workers second happiest in Asia-Pacific —study
Bacolod radio anchor suspended over rape jokes
A tangy twist on your favorite Bangus Sinigang | Farm To Table

Article Inside Page


Showbiz News

Kuya Kim Atienza, Rabiya Mateo, Faith Da Silva, Pokwang


Nagpakita ng suporta ang 'TiktoClock' co-hosts ni Pokwang na sina Kuya Kim Atienza, Rabiya Mateo at Faith Da Silva.

Malayo man sina Kuya Kim Atienza, Rabiya Mateo, at Faith Da Silva ay pinanood pa rin nila ang emosyonal na interview ng kanilang co-host sa TiktoClock na si Pokwang.

Si Kuya Kim, Rabiya, at kanilang guest co-host sa TiktoClock na si Faith ay nasa Vigan para sa Kannawidan Festival nang magpa-interview si Pokwang sa Fast Talk with Boy Abunda noong February 3.

Ipinakita ni Kuya Kim na pinapanood nila ang interview ni Pokwang habang naka-break sa studio.

Saad pa ni Kuya Kim sa kanyang Instagram caption, "We love you mamang @itspokwang27 tight hug from Vigan!"

Isang post na ibinahagi ni Kuya Kim (@kuyakim_atienza)

Sa interview ni Pokwang kay Boy Abunda ay inamin niya ang tunay na estado ng kanilang relasyon ng ex-partner na si Lee O'Brian, pinagdaanan sa negosyo, pagiging magulang kay Malia at marami pang iba.

Saad ni Pokwang ay ilang beses niyang binigyan ng pagkakataon ang kanilang relasyon. Nilinaw pa ng Kapuso star kung bakit niya ipinagtanggol noon si Lee sa mga negative comments sa social media.

PHOTO SOURCE: Fast Talk with Boy Abunda

“Oo, naghiwalay kami pero marami akong binigay na chance, marami akong binigay na signal na please, ayusin mo naman 'to para kay Malia. Mahal ko siya, sa totoo lang mahal ko siya, kaya ko… pagtakpan ko siya, umasa ako na magkakabalikan pa kami.”

Isa pa sa inilahad ng aktres, “Feeling ko, hindi niya ako minahal talaga.”

Panoorin ang kabuuan ng interview ni Pokwang:

SAMANTALA, BALIKAN ANG RELATIONSHIP TIMELINE NINA POKWANG AT LEE O'BRIAN DITO: