Ang buhay single mom ni Trina Candaza

Nagsalita na ang model-vlogger na si Trina Candaza tungkol sa hiwalayan nila ng ex-partner na si Carlo Aquino at sa mga isyu ukol sa kanilang co-parenting.
Ayon kay Trina, bukas siya sa pagdalaw ni Carlo sa anak nilang si Mithi at hindi niya ito kailanman ipinagdamot.
"Siguro 'yung headline na hindi ko pinapahiram si Mithi at siya ang bumubuhay sa aming dalawa, that's not true. I also pay half of our expenses. So para sa akin, dalawa kaming nagpo-provide. Puwede niya namang sabihin na nagsusustento siya kay Mithi kasi totoo 'yun. Pero para sabihin niyang binubuhay niya ako, parang nakaka-offend sa part ko 'yun kasi nagtatrabaho din ako. Naghahanap ako ng ways, ng income, para ma-provide 'yung kulang dun sa ibinibigay niyang sustento," sabi ni Trina sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, na mapapanood sa YouTube channel ng huli.
Dagdag pa niya, "Ito napansin ko lang, kapag ang lalaki nagbigay ng sustento for a month, mabuting tatay na sila. Pero kapag sa mga single moms, nagtatrabaho kami, inaalagaan namin 'yung anak namin. Pero once na may mali kaming magawa, masamang ina na kami."
"Kay Carlo kasi, 'yung sustento niya he can earn it in a day pero ako 'yung pino-provide ko na half, ilang trabaho 'yung katapat, ilang trabaho 'yung katapat para ma-provide ko 'yung one month. Sana ma-appreciate ni Mithi 'yung efforts ko para mabigyan siya ng magandang future at 'yung pagprotekta ko sa kanya.
"Ako, nakapag-decide akong umalis kasi tiningnan ko si Mithi at naisip ko, deserve ba ng anak ko 'yung ganitong version ko na malungkot at hindi masayang nanay? Kasi, it will also affect my daughter kasi makikita niya 'yun, e."
Sa huli, sinabi niya, "'Yung message ko sa lahat ng single moms, especially 'yung mga nagme-message sa akin, kung nahihirapan kayo minsan mag-desisyon kung ano ba ang tama. Tingnan niyo na 'yung anak niyo, makakapagdesisyon na kayo nang tama."














