IN PHOTOS: Kilalanin si Kian Co, ang gumanap na Crispin sa 'Maria Clara at Ibarra'

Napahanga ni Kian Co ang manonood ng historical portal fantasy series na 'Maria Clara at Ibarra' sa mahusay na pagganap niya bilang Crispin, ang bunsong anak ni Sisa na ginagampanan ni Andrea Torres.
Ang 'Maria Clara at Ibarra' ay kuwento ng isang Gen Z nursing student na napadpad sa mundo ng mga nobela ni Jose Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
Ayon sa batang aktor, hindi niya inaasahan na marami ang makapapansin sa kanya sa serye.
Kuwento niya sa GMANetwork.com, "Nagulat po ako kasi napansin po nila ako, madami rin po ako nababasa sa Twitter na gusto po nila humaba pa ang role ko po or sana mabigyan daw po ako ng bagong project sa GMA. Nakakatuwa po magbasa ng messages ng mga netizen para po sa akin, masaya po ako na marami po palang gustong makita po ako sa TV."
Mas kilalanin pa si Kian Co sa gallery na ito:








