TRIVIA: Mga biglaang pagbubuntis ng celebs na gumulat sa publiko

Tila nakasanayan na nating mga Pinoy ang mag-expect ng baby news sa ating favorite celebrities pagkatapos nilang ikasal sa kani-kanilang kasintahan. Meron din namang iba na nag-aabang sa latest showbiz news kung mayroon nang growing baby bump ang ilang popular na artista.
Kaya naman minsan hindi na rin nakagugulat ang ilang celebrity baby announcements.
Gayunpaman, mayroon din naman ilang celebrities na piniling itago ang kanilang pagbubuntis ngunit nakukuha pa rin masorpresa ang publiko.
Ang ilan, nagagawa pang itago ang kanilang bundle of joy hanggang sa kapanganakan nito tulad na lamang nina Sofia Andres, Phoemela Baranda, Diana Zubiri, at Janella Salvador.
Mayroon din namang tulad nina Ryza Cenon at Jennylyn Mercado, na naging usap-usapan sa showbiz ang kanilang pagbubuntis pagkatapos nilang i-anunsyo ito sa publiko.
Kamakailan lang ay kinumpirma rin ni Raffa Castro, anak ng dating T.G.I.S. star na si Diego Castro, ang haka-haka na may baby na siya sa kaniyang kasintahang aktor na si Joaquin Domagoso.
Anuman ang kanilang dahilan, maraming fans ang sumusuporta at ikinagagalak ang bawat baby news na isinasapubliko ng kanilang favorite celebrities. Kahit na ito'y isang sorpresa, a celebrity baby news is still a happy news.
Kilalanin ang mga celebrity baby news na gumulat sa publiko at ang kanilang mga anak sa gallery na ito.













































