News

Vice Ganda asks Shuvee & Fyang on PBB's Best Batch; Madlang People agree with Shuvee's answer

GMA Logo Shuvee Etrata
PHOTO COURTESY: Dave Graciadas, It's Showtime

Photo Inside Page


Photos

Shuvee Etrata



Muling bumisita ang Sparkle star at ex-Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemate na si Shuvee Etrata sa It's Showtime ngayong Martes, July 15.

Nakisaya ang Cebuana beauty sa segment na “Breaking Muse” ng naturang noontime variety show. Sa kanyang pagbisita ay kinumusta siya ng Unkabogable Star na si Vice Ganda.

“Meme, grabe! Grabe 'yung umagang 'to. Okay ba kayo, Madlang People?” ani ni Shuvee.

Ipinakita rin ng Sparkle actress ang kanyang dance moves kasama ang hosts na sina Jugs Jugueta at Teddy Corpuz at napansin ito ni Vice Ganda.

“Ginagalingan ni Shuvee. Parang gusto niyang patotohanan kay Fyang na 'yung batch nila ang mas magaling sa batch nila Fyang, Shuvee, who is the best batch?” pabirong hirit ng komedyante.

Natatawang dagdag ni Vhong, “Ang best batch daw, alam mo sino? Kay Kim Chiu raw.”

Matapos ito, narinig naman ang tila boses ni “Kuya” at tinanong ang Sparkle star, “Shuvee, gusto ko lang tanungin sayo, sino ba talaga ang pinaka?”

Sagot ng aktres, “Sabi raw ng iba, successful naman daw ang PBB Celebrity Collab Edition. Pero para sa akin Kuya, lahat ng housemates, lahat ng edition, magagaling at magaganda.”

Dagdag pa ni Vice Ganda, ang mahalaga ay lahat ng naging bahagi ng Pinoy Big Brother ay masasaya at busy sa kanilang mga trabaho.

Matatandaan na naging viral sa social media ang video clip sa isang event, kung saan makikitang sinabi ni Fyang na walang makakatalo sa kanilang batch sa Pinoy Big Brother.

Si Fyang, o Sofia Smith, ay ang Big Winner ng Pinoy Big Brother: Gen 11. Samantala, ang BreKa, ang duo nina Brent Manalo at Mika Salamanca ang nagwagi bilang Big Winner ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Kilalanin ang mga naging housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition:


Michael Sager
Ashley Ortega
AZ Martinez
Will Ashley
Josh Ford
Charlie Fleming
Dustin Yu
Mika Salamanca
AC Bonifacio
Esnyr
Brent Manalo
Klarisse De Guzman
River Joseph
Ralph De Leon
Kira Balinger
Vince Maristela 
Emilio Daez
Bianca De Vera
Shuvee Etrata
Xyriel Manabat

Around GMA

Around GMA

NBA: Kevin Durant 8th to 31,000 points as Rockets sink Suns
#WilmaPH spotted over coastal waters of Sulat, Eastern Samar
This family weekend workshop features experts to elevate Filipinos' kitchen and dining holiday traditions