Vina Morales' daughter, Ceana, celebrates 17th birthday with a neon disco theme

Hindi pa rin makapaniwala si Born to Shine star Vina Morales na 17 na ngayon ang kaniyang anak na si Ceana. Nitong Sabado, April 25, ipinagdiwang ng dalaga ang kaniyang kaarawan. Ngunit bago pa man ang mismong araw, nakasama na niya ang mga kaeskwela at mga kaibigan sa isang neon disco-themed na party.
Sa Instagram, nag-post ng ilang litrato si Vina ng birthday celebration ng anak. Kasama nito ang mensahe kung saan sinabi ng singer-actress na hindi siya makapaniwalang mabilis na lumipas ang panahon.
“My favorite girl, Ceana, is celebrating her birthday today. I can't believe you're 17 already, time went by so fast,” sulat ni Vina sa kaniyang post.
Pagpapatuloy pa niya, “I love you so much, my favorite girl.”
Sa hiwalay na post, pinaalalahanan ni Vina ang anak, “Always remember that I'm here for you no matter what. My daily prayer is for you to have a bright future and a long, happy life. Keep God at the center of everything you do, and He will guide you always. I love you to the moon and back.”
Tingnan ang neon disco-themed birthday party ni Ceana sa gallery na ito:









