Whamos Cruz at Antonette Gail, ipinasilip ang kanilang bagong bahay

GMA Logo whamos cruz and antonette gail

Photo Inside Page


Photos

whamos cruz and antonette gail



Lumipat na sa mas malaking bahay ang kilalang content creators na sina Whamos Cruz at Antonette Gail.

Isang bagong vlog ang in-upload ni Whamos kamakailan sa kanyang YouTube channel, kung saan ipinasilip nila ni Antonette ang bago nilang tirahan.

Ipinakita ng couple vlogger ang bawat sulok at lugar sa kanilang bahay, kabilang na ang mga paborito nilang tambayan sa loob nito.

Makikita rito ang kanilang dining, kitchen, at laundry area, at mga kuwarto.

Tampok din sa vlog ang kanilang iba't ibang koleksyon tulad ng mga laruan, sapatos, at mga sumbrero.

Ipinakita rin nina Whamos at Antonette ang kanilang swimming pool.

Samantala, sa comments section, maraming netizens ang nakapansin na nananatili pa ring humble ang couple vlogger kahit patuloy na umuunlad ang kanilang pamumuhay.

Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 330,000 views sa YouTube ang naturang 'House Tour' vlog.


Sina Whamos at Antonette ay kilalang-kilala sa mundo ng vlogging.

Bukod dito, sila rin ay loving parents ng kanilang cute na cute na baby na si Meteor.

Tingnan ang kanilang bahay rito:


Around GMA

Around GMA

Prosecutor: Ayon sa medical experts, ‘fit’ na lumahok sa ICC pre-trial proceedings si Duterte
Straight from the Expert: Lechon, the star of every Filipino Christmas table (Teaser)
PRO-10 deploys nearly 500 cops to boost holiday security in NorthMin