Fast Talk with Boy Abunda

Wilbert Ross, grateful kay Boy Abunda, Vice Ganda, 'It's Showtime', para sa magandang karera

GMA Logo Wilbert Ross on Fast Talk with Boy Abunda
Photo source: Fast Talk with Boy Abunda

Photo Inside Page


Photos

Wilbert Ross on Fast Talk with Boy Abunda



Isang resounding success ang major debut concert ni Wilbert Ross na “WRten by” na naganap noong July 25 at 26 sa New Frontier Theater. Ang concert ang nagsilbing pagdiriwang ng singer-actor ng kaniyang ika-10 anibersaryo sa show business.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, August 11, ipinahayag ni Wilbert ang lubos niyang pasasalamat sa fans lalo na at 15 minuto pa lang nang simulan ang ticket selling ay na-sold out na ang kaniyang concert.

“Sobrang thankful ko nu'ng time na 'yun, pero hindi ko siya in-expect, Tito Boy, ha. Kasi ako, siyempre it's an honor na mabigyan ng chance na mag-concert. At para ma-sold out 'yun ng 15 minutes, sobrang 'Ganito na pala kadami ang willing makinig, marinig 'yung musika ko, ng mga sulat ko,'” sabi ni Wilbert.

Pag-amin ng singer-actor, noong una ay hindi siya makapaniwala pero sa huli, tinanggap na lang niya ito, at nasabing “I need to write more songs to inspire more other people.”

Sa kaniyang pagbisita sa naturang GMA Afternoon Prime talk show, pinasalamatan din niya ang ilang taong nanatili sa kaniyang tabi at naniwala sa kaniya, kabilang na sina King of Talk Boy Abunda at ang Unkabogable star na si Vice Ganda.

Alamin ang buong kuwento ni Wilbert sa gallery na ito:


Grateful
First manager
Proud
Vice Ganda
Staying with Vice and Ion
Belief
It's Showtime
Pagkatao
Hashtags
Challenges

Around GMA

Around GMA

MMDA: Waste management remains a major challenge in Metro Manila
Davao woman slams cop over 'sexist remarks' during arrest
Reality check: the cost of childbirth in PH today