GMA Logo wilbert ross vice ganda inah evans
Courtesy: Vice Ganda on Facebook (middle) / Nherz Almo (left and right)
What's Hot

Wilbert Ross at Inah Evans, iimbitahan ba si Vice Ganda sa kanilang solo concerts?

By Nherz Almo
Published May 31, 2026 7:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Six hotels earn France's prestigious 'palace' label
CCTV captures residents dumping trash in another barangay in Bacolod
Gabbi Garcia and her mom share make-up tips in local lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

wilbert ross vice ganda inah evans


Ayon kina Wilbert Ross at Inah Evans, malaki ang tulong ni 'It's Showtime' host Vice Ganda sa kani-kanilang showbiz career.

Parehong malaki ang pasasalamat nina Wilbert Ross at Inah Evans kay Unkabogable Star Vice Ganda dahil sa pagtitiwalang ibinigay niya sa dalawa.

Sa magkahiwalay na press conference ng kani-kanilang solo concert, inilahad nina Wilbert at Inah Evans kung paano nabuo ang relasyon nila kay Vice.

Sa parte ni Wilbert, bukod sa pagiging miyembro ng grupong Hashtags, na madalas sa It's Showtime noon, nanirahan din daw siya sa bahay nina Vice at asawa niyang si Ion Perez noong pandemic.

Kuwento niya, “Wala po akong masyadong napupuntahan o nalalabasan noon, kaya doon po talaga ako nag-stay. At talagang naging parte po ako ng araw-araw nilang buhay. Tuwing hapon, nagba-badminton kami, nagwo-workout si Ion, naglalaro kami ng PS5.

“Parang naging anak po nila ako doon sa bahay nila. Nung umalis na po ako, sabi ko kailangan ko na talagang umalis kasi ayaw niya po akong paalisin. Nalulungkot po sila noon kasi sila lang talaga ang magkasama doon, kasama, siyempre, yung mga tao sa bahay nila.”

Dati pa raw ang proud na si Vice kay Wilbert bilang singer.

Aniya, “Si Vice po kasi, siya po yung parang nanay-nanayan namin sa Hashtags.

“At dati pa po, nakikita na ni Vice yung potential ko as a singer, nung wala pa masyadong naniniwala. Kasi sa It's Showtime, lagi niya akong pinapa-sample, 'Uy, kumanta ka naman para marinig nila yung boses mo.'

Kapag lumalabas po kami dati, pinapangalandakan niya po ako sa mga gigs. She's so proud, parang talented daw ako at magaling 'to kumanta.

May tumatak po sa akin sa bahay niya, nagpe-play siya ng mahjong with her friends, wala ako doon pero narinig ko lang nang dumaan ako. ''Yang si Wilbert, magaling 'yan kumanta. Nagsusulat 'yan ng mga kanta, nagusulat pa yan ng mga libro.'

“Naramdaman ko po na she's genuinely happy for me. At gusto ko pong paniwalaan na naniniwala talaga siya sa akin talaga.”

Katulad ni Wilbert, tumatak din kay Inah Evans ang pagtitiwalang ibinigay ni Vice sa kanya nang kunin siya nito bilang talent. Sa loob ng tatlong taon si Vice ang nag-manage ng career ng noo'y newbie showbiz personality.

Pag-alala ni Inah Evans, “Actually nang kinukuha pa lang ako, yung tanong ko agad sa kanya, 'Ma, bakit ako?' Parang ganoon yung conversation namin sa [Instagram].

“'Tapos parang sabi niya, a long time ago daw, merong naniwala sa kanya before, tapos parang never nga napasuklian yun sa tagal. So, parang gusto niya i-pay forward through me.

“Tapos talagang, wow, as in parang for a caliber of Vice, para pulutin ako sa kanal, ang bigat lang.”

Dahil dito, isinasabuhay na rin daw ni Inah ang natutuhan niya mula sa kanyang dating manager.

“Yung sinabi niya sa akin, yun ang parang lagi kong sinasabi sa iba—kapag tumutulong ka o nagbibigay ka ng opportunities sa iba… Lagi niya kasing sinabi sa akin before na, 'Maraming ilaw, malaking entablado, kasya tayong lahat.'

'Tapos, parang tumatak talaga yun. Ang ganda. Dinala-dala ko yung sinabi ni Meme sa akin, na parang hindi mo kailangang maging maramot. Kung may talent ka, may talent siya, kasya tayong lahat sa stage. Parang lahat tayong may spotlight.”

Inviting Vice as a guest

Sa July gaganapin ang solo shows nina Wilbert at Inah Evans. Ang 10th anniversary concert ng un ana WRten By ay gaganapin sa New Frontier Theater sa July 25 at 26. Sa kabilang banda, ang solo show ng huli na The Baklang Kanal Show Live ay mapapanood sa Music Museum sa July 10.

Bilang malapit kay Vice, natanong ang dalawang artista kung iimbitahan nila si Vice bilang guest.

Para kay Wilbert, sa halip na maging guest sa kanyang show, mas gusto niyang imbitahan si Vice bilang isa sa mga espesyal na taong manonood ng kanyang concert.

Sabi niya, “Naglalaban po sa isip ko kung gusto ko ba siyang mag-perform o gusto ko lang siyang manood ng buong show at balikan niya yung mga pinagdaanan ko through my songs.

“Naguguluhan po ako kung ano talaga yung gusto ko sa part na iyon. Kasi siyempre, gusto ko rin na mapanood niya yung mismong music ko, marinig niya yung mga songs na naisulat ko, at makita niya yung growth ko as an artist.”

Halos ganito rin ang naging pahayag ni Inah Evans, “Parang mas gusto ko na nasa audience na lang si Meme [Vice]. Parang ayaw kong gamitin yung mga ganung klase ng connection kasi, siyempre, si Meme na yun, e. Parang ayaw ko rin na pupunta sila dahil kay Vice. Gusto ko rin na mapanood niya ako kaysa nasa backstage at magpe-perform.

“Siguro kung gagawin siyang guest, pagme-message-in ko lang for me. Ayaw ko siyang pagurin pa.”

Sa mga naturang media conference. Pareho ring sinabi nina Wilbert at Inah Evans na hindi pa nila nakakausap si Vice.

Samantala, tingnan dito ang ilang Kapuso shows na kinabilangan noon ni Vice: