Will Ashley, binalikan ang hirap ng buhay at mga karanasan bilang child star

Maaga pa lang ay namulat na si 'Delivery Boi' star Will Ashley sa hirap ng buhay. Kaya naman, bata pa lang ay pinasok na niya ang mundo ng showbiz kung saan nagsimula siya bilang isang child actor.
Sa 'Fast Talk with Boy Abunda' nitong Biyernes, October 16, inamin ni Will na labis siyang nagpapasalamat sa mga nangyayari sa kaniyang buhay at karera ngayon.
“Feeling ko kasi parang I spent half of my life dito sa industriya, eh, so parang timing lang talaga, sobrang timing, God's timing talaga kaya ngayon, medyo overwhelmed lang talaga kasi biglang bumulusok din 'yung mga opportunities, pero tanggap lang po, happy ako,” sabi ni Will.
Binalikan din ni King of Talk Boy Abunda ang pagsisimula ni Will sa industriya bilang child star, kung saan madalas siyang gumanap bilang batang bersyon ng iba't ibang karakter.
Alamin ang kwento ni Will sa gallery na ito:









